V: Paa

383 18 1
                                    

(Ariella's POV)

"Positive! Buhay pa po!"

Naririnig ko ang maraming ingay sa paligid. Bakit parang andaming tao? Sino sila? Anong kailangan nila sa akin? May inilagay sila sa bibig ko na nagpaginhawa sa paghinga ko, ano ito? Bakit parang may lumalabas na hangin dito? Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Nanghihina ako. Tubig.. kailangan ko ng tubig..

Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa paligid. Kaya kahit hinang-hina, unti-unting kong iminulat ang nag-iisa kong mata.

"Sir gising na siya!"

"Bilis ipasok na siya sa ambulansya! Dalahin na agad 'yan sa ospital! Ms. Ivy ikaw na ang bahala sa pasyente. Ms. Jamie and Ruel, please assist Ms. Ivy, sumama kayo sa ambulansya." Narinig kong wika ng isang lalaki. Lahat ng nakikita ko ay bago sa aking paningin. Madilim ngunit may mga hawak silang bagay na nagsisilbing liwanag nila. Malabo pa ang paningin ko.

Naramdaman ko na lang na ipinasok nila ako sa hindi ko malamang bagay. Umaalingawngaw ito at napakasakit sa pandinig. Naramdaman ko na parang umandar ito nang mabilis habang patuloy na umaalingawngaw ang tunog nito.

Isang lalaki at dalawang babae ang nagbabantay sa akin. Pinagmasdan ko ang kasuotan nila. Kapwa sila nakasuot ng damit na kulay pula at may nakasulat na "EMT". Ano ang ibig sabihin 'nun? Sino sila? Anong gagawin nila sa akin? Natatakot ako. Sigurado akong nakita na nila ang buntot ko. Paano kung tama si tita Noreen? Paano kung may gawin silang masama sa akin?

Ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan at mga labi ko habang nakahiga. Gusto ko ng tubig ngunit hindi ako makapagsalita. Hinang-hina na ako.

"Namumutla ang pasyente. Sa mahigit 12 oras nilang pananatili sa nagbagsakang pader na may limitadong hangin, maaaring dehydrated na siya." Wika ng lalaki na tinatawag nilang Ruel.

"Miss, nauuhaw ka 'ba?" Tanong pa nung Ruel sa akin. Dahan-dahan akong tumango. Sobrang uhaw na uhaw na talaga ako. Agad siyang kumuha ng bote ng tubig.

"Jamie, pakitanggal muna ang oxygen niya." Tinanggal naman nung Jamie ang bagay na nasa bibig ko na may lumalabas na hangin. Dahan-dahan namang iniangat ng isa pang babae ang ulo ko upang maayos akong makainom.

Naubos ko ang isang bote at tila nakaramdam na ako ng kaunting lakas.

"Isa pa ho." Agad silang kumuha muli ng bote at ipinainom ito sa akin. Agad ko na naman itong naubos.

"Isa pa ho." Nagtinginan silang tatlo.

"Mukhang uhaw na uhaw ka miss ah." Wika pa nung Jamie. Agad naman silang kumuha muli ng bote ng tubig.

"Oh eto." Agad ko na naman itong naubos.

"Isa pa ho." Konti na lang. Ramdam ko na ang lakas ko.

"M-may tubig pa ba tayo, Jamie?"

"Wala na ho. Ms. Ivy." Napakamot sila ng ulo.

"Sandali meron ako doon sa bag ko." Kinuha ni Jamie ang kanyang bag at may inilabas na isang bote ng tubig mula dito. Sa sobrang uhaw ko, bumangon na ako at agad na kinuha sa kamay niya ang tubig at agad ko itong nilagok nang nilagok.

"Isa pa ho."

Lahat sila nakatingin sa akin at tila gulat na gulat.

"M-miss humiga ka muna, Kailangan mong magpahinga. Kanina lamang ay napakababa ng pulse rate mo."

"Ahhhh!!!" Napasigaw ako sa nakita ko.

"Ahhhhh!!" Napasigaw din sila.

"Miss naman bakit ka ba biglang sumisigaw? shuta ka." Wika ni Ruel.

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now