XLIV: Burado

43 3 0
                                    

(Ariella's POV)

Dahil nagsawa na kami sa paghahanap ng bulalakaw, nagtitigan na lang kami ni Vlad. Naghihintay na may mangyari sa amin. Kailangan pa bang ako ang unang kumilos? Gustong-gusto ko nang kainin ang bibig niya. Bakit ang tagal niyang ilapit ang bibig niya sa bibig ko? Iyon naman ang lagi naming ginagawa kapag pumupunta kami dito sa gubat ah. Ang tagal naman niyang simulan. Nakatitig lang siya sa mukha ko habang magkaharap kaming nakahiga sa sanga ng malaking punong ito.

"Ariella,"

"H-hmm?"

Hinimas niya ang pisngi ko. Eto na siguro. Kinakabahan ako pero syempre nasasabik na rin.

"Mahal na mahal kita." Wika lang niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sensiridad nang sabihin niya iyon.

"Mahal na mahal din kita Vlad. Sobrang mahal na mahal kita." Sagot ko naman.

"Sinabi ko sa sarili ko noon na kapag napatay ko na si Lazarus, magpapakamatay na rin ako." Wika pa niya.

"para wakasan ang lahi ng mga bampira?" Dugtong ko naman sa sasabihin niya. Ngumiti siya at tumango. Nasabi na kasi niya 'yun sa akin.

"Tama ka. Pero ngayong wala na si Lazarus, hindi ko ito magawa." Saad pa niya.

"Kasi tingin mo may mga natira pang bampira dito sa mundo? Hindi ba't noong isang araw sabi mo parang may naaamoy kang bampira?"

"Hindi iyon. Baka guni-guni ko lang 'yun, agad namang nawala 'ang amoy na 'yun eh." Sagot naman niya.

"Eh ano?"

"Kasi ayaw kitang iwan. Kapag nawala ako, paano na kita maiiligtas kung sakali mang may sakuna na namang mangyari sa mundo? Iyon ang ikinatatakot ko. Hindi ko kayang iwan ang babaeng pinakamamahal ko." Aww lumambot naman ang puso ko dahil doon. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko.

"Salamat Vlad. Ipangako mo sa akin na hindi tayo maghihiwalay ha? Kahit anong mangyari, dito ka lang sa tabi ko."

"Pangako 'yan, Ariella. Itaga mo pa sa bato."

Unti-unti kong inilapit ang bibig ko sa bibig niya. Kanina ko pa siya hinihintay pero ang bagal niya kaya ako na ang kikilos. Pumikit siya at naghihintay na dumampi ang labi namin sa isa't isa. Pero habang nakapikit siya, napatigil ako. Pinagmasdan ko muna ang maamo niyang mukha. Hindi ko akalain na magmamahal ako ng ganito. Akalain mo 'yun, sirena at bampira, Pwede pala 'yun? Wala na akong pakialam kung magkaiba man ang aming lahi. Ang mahalaga, iisa ang tinitibok ng puso namin. Walang edad, anyo o lahi pagdating sa pag-ibig. Lahat pwedeng magmahal.

Idadampi ko na sana ang labi ko sa labi niya nang bigla siyang napamulat.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya. Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang mukha ko at siniil ako ng halik. Ibang-iba ang halik na ginagawa niya ngayon. Para siyang gigil na gigil, parang gusto niyang ubusin ang laway ko. Halos makapusan na ako ng hininga pero mas masarap pala 'yung ganito.










"Ariella, gising na." Napamulat ako ng mata nang gisingin ako ni Vlad. Hindi ko namalayan na nagkatulog na pala ako kagabi. Mag-uumaga na, unti-unti nang lumiliwanag ang kalangitan. Rinig na rinig na rin ang ingay ng mga ibon sa paligid.

"Naku nakatulog pala ako. Malapit nang sumikat ang araw, baka maabutan tayo ng sinag sa daan at masunog ang balat mo. Tara na uwi na tayo." Wika ko kay Vlad.

"Kaya nga ginising kita hehe. Pasensya na ha, naputol tuloy ang tulog mo."

"Ano ka 'ba, ako ang dapat humingi ng pasensya, Hindi dapat ako natulog. Dapat umuwi na tayo kagabi. Ikaw kasi bakit 'di mo ako ginising? Nangalay ka 'ba? Buong gabi yata akong nakaunan sa braso mo eh. Hindi natutulog sa gabi hindi 'ba? ibig sabihin hinintay mo pa talagang mag-umaga para gisingin ako?"

 Blood and WaterWhere stories live. Discover now