New Friend |Page 102 of 365|

1.8K 74 7
                                    

Dear Diary,

Kanina habang nagsisimba kami ay may babaeng tingin ng tingin sa akin. Maganda siya mukha siyang korean! (Ayan nanaman tayo, pag korean maganda agad?) mukha siyang manika nga 'e :) Tapos pagkatapos ng misa lumapit siya sa akin.

"Cindy?" tanong niya

"A-Ako nga po," sagot ko at ngumiti siya saka niyakap ako ng mahigpit. Katakot nga 'e.

"I want to be your friend! Nakikita kita lagi sa school! At napapansin kong lagi kayong magkasama ni Charles ko.. este! Ni Charles," sabi niya pero sa dami ng sinabi niya isa lang ang nagregister sa utak ko ang 'I want to be your friend'

"Uuh.. yup! Pwede tayong maging friends!" tuwang tuwa kong sagot then she hugged my arm. Ang weird niya talaga tapis ang hyper pa.

"Yehey! Friend ko ang girlfriend ni Charles!" sabi niya

Marami pa kaming napagkwentuhan kasi nagpunta pa kaming Starbucks. Ang bilis ng mga pangyayari, sobrang hyper niya at cute! Napansin ko lang na puro si Charles ang bukang bibig niya.

Well, nevermind! Atleast may new friend na ako!

Good Night Diary! XOXO!

Diary ni Ms. ParanoidOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz