Things |Page 122 of 365|

1.6K 74 7
                                    

Dear Diary,

Nakatulog na lang ako sa sobrang pag iisip at sobrang pagod. Kahit nakagigising ko pa lang ngayon pakiramdam ko oras na para matulog. Pero Diary! Kailangan kong umayos ngayon. Naalala ko nanaman ang sinabi ni Starbucks guy ('di na siya cake guy kasi nagtatrabaho pala siya sa Starbucks) kaya nagbigay nanaman iyon ng lakas sa akin.

Agad na akong nagshower at nagbihis pagkatapos. Nakita ko nanaman ang invitation ko na nakalapag sa study table ko, 'yung sa outing ng section namin? Diary, aattend pa ba ako dito? Tinatamad na ako at saka naalala ko lahat ng mga deadly risk pag sumama ako.

But, anyway, sasama na ako! Hindi ako papayag na mabulok lang dito sa bahay kaiisip sa lalaking iyon. Masiraan pa ako ng bait? Sana pala katulad na lang ako ni Mich ang bilis makamove-on kay Jam. Pero syempre joke lang, ayoko nga maging malandi tulad niya.

Mag aayos na ako ng mga susuotin ko sa outing Diary, bukas na kasi iyon at tatawagan ko na lang 'yung class president namin para makahabol ako.

Good Night! XOXO!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now