Flashback |Page 134 of 365|

1.3K 61 5
                                    

Dear Diary,

Malapit na ang pasukan. Ang bilis ng araw. Ngayong mga nakaraang gabi tuloy Diary wala akong halos tulog. Diary, iniisip ko nanaman kung gaanong pagpapakasakit ang ibibigay ng mga prof ko.

Kung paano ko kakausapin ang mga classmate ko or worse mga bagong classmate. Introduce yourself... Oh God! Introduce yourself! Ayaw ko na Diary. Kung mayaman lang kami pwede bang home-schooled na lang ako? May naalala tuloy akong pangyayari na lagi na lang nangyayari sa akin...

"Okay Class! One by one kada paragraph ha? Starts with you Gomez!" sabi ng teacher namin sa Filipino.

Ito 'yung sunod-sunod. Magsisimula kay Gomez tapos susunod kay Gopelo tapos ilang estudyante pa tapos ako na!

Grabe Diary! Sobrang nakakaiyak 'yun. Binibilang ko pa ang mga susunod kong classmate para malaman ko kung anong paragraph ako. Grabe talaga, ang lakas ng tibok ng puso ko nun.

Pagnakuha ko na kung pang ilang paragraph ako ay papractisin ko na agad 'yung sa akin. Para 'di ako magkabulol-bulol mamaya.

Huhu, Diary ayaw ko talaga ng ganoon.

Good Night Diary XOXO!

Diary ni Ms. ParanoidOù les histoires vivent. Découvrez maintenant