Alcohol|Page 161 of 365|

770 28 5
                                    

Dear Diary,

I'm so exhausted right now. Nasa kwarto ako nila Ace ngayon. Si Ace ngayon lang nakatulog, ginamot ko pa kasi ang sugat niya. Si James naman wala pa rin dito. Nakakapagalala nga kasi magha-hating gabi na. Pero sabi naman ni mommy nagpaalam daw sa kanya si James na medyo male-late siya ng uwi.

I looked at Ace's face. Mukha siyang anghel, parang inosente at hindi gagawa ng masama. Nakahiga siya sa baba ng double deck, dapat kasi sa taas siya e kaso nga na sugat ang paa niya kaya hirap umakyat.

Anyway, diary... Ikekwento ko na lang sayo paano ko ginamot si Ace.

"Ace 'wag kang magulo!" wika ko sa kanya.

Nakaupo siya sa double deck habang hawak-hawak ang binti niya. Naiiyak na talaga siya at namumutla.

"Takot ako sa dugo!" sabi niya ng pasigaw sa takot.

"Kaya nga pumikit ka! Saka ang konti lang ng dugo oh?" pangungumbinsi ko.

Pero, deym... Medyo madami nga ang dugo. Nilinis ko na ang sugat niya kahit sobra ang pagpupumiglas niya. Grabe, sigaw siya ng sigaw ng aray kahit 'di pa dumadampi 'yung bulak sa sugat niya. Nakakatawa tuloy.

"Ang sakit sakit!" sigaw niya, "Cindy tama na! Mamamatay ako."

"Hoy?! Anong mamamatay? 'Wag ka nga! Natatakot ako e" sabi ko.

Tumahimik siya sandali, "Natatakot kang mawala ako?"

Hindi ko alam kung anong naramdaman ko pero parang biglang nag-init ang mukha ko! Napisil ko tuloy 'yung bote ng alcohol sa sugat niya.

Mahimbing na ang tulog niya ngayon. Medyo basa pa ang pilik-mata niya sa pag-iyak dahil nga sa nabuhos na alcohol sa sugat niya. Natakot ako Diary ha! Kasi baka kung ano mangyari sa kanya! Pero mukhang okay naman siya.

Diary good night! XOXO.

PS. Mamaya-maya na ako matutulog. Babantayan ko muna si Ace.

Diary ni Ms. ParanoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon