Two-Timer|Page 130 of 365|

1.4K 62 6
                                    

Dear Diary,

Okay na ako ngayon. Nasa bahay na ako at maayos na nagpapahinga ngayon sa kama. Kahahatid lang sa akin ni Davis. Bali 'yung dad niya actually ang nagdriveng kotse pero sinamahan ako ni Davis.

Pagkarating ko sa bahay naabutan ko si mommy na tarantang-taranta. Agad ko siyang niyakap ng makita ko siya halos maiyak na nga ako e. Namiss ko si mommy.

"Uuumm, magandang gabi po," bati ng dad ni Davis

"Magandang gabi po," wika rin ni Davis.

Binati din naman sila ni mommy. Nagluto din si mommy at nagdinner kami ng sabay-sabay. Medyo awkward nga lang dahil panay ang kamusta ni mommy kay Charles. Hindi pa ka si niya alam na as in wala na kami.

"So, kamusta kayo ni Charles?" pangiti-ngiting tanong ni mommy

Geez, hindi ko alam ang isasagot ko. Nakakainis, sana pala sinabi ko na ito ng mas maaga pa.

"Who's Charles?" tanong ng dad ni Davis.

Patay. Baka akala niya two-timer ako! Diary! Help! This is a huge misunderstanding!

"Oh, 'yun 'yung soon to be boyfriend ng anak ko, right Cindy?" sabi ni mommy ng nakangiti.

Narinig ko naman na nag tss si Davis. Uminom siya ng tubig at nagpasalong-baba.

"Well, Davis. You have a lot to explain later," mukhang masungit ang dad niya actually. Pakiramdam ko ang sama sama na ng tingin sa akin ng dad niya.

"But, Dad!" hirit ni Davis.

Tumaas ang tensyon sa aming apat Diary. Nakakatakot talaga. Pero agad rin namang nawala. Pagkatapos ng dinner ay nagpaalam sila agad. Hindi na nakapag iwan ng kahit na anong salita sa akin si Davis dahil agad na siyang pinasakay sa kotse.

Galit ang mukha ni Davis. Hay, Diary... Ang strict naman ng dad niya.

Good Night Diary. XOXO.

PS. Hindi ako two-timer :'(

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now