Sparks |Page 82 of 365|

2.2K 114 22
                                    

Dear Diary,

Nakita ko na siya. OO, NAKITA KO NA SI MR. NOBODY. AAHHHHHH! Diary! Sinungaling siya! Napaka! Waaaah! Ganito kasi 'yung nangyari, naglalakad ako papunta sa classroom namin habang nagbabasa sa cellphone ko ng story sa Wattpad 'yung 'Diary ni Ms. Paranoid'? Grabe ang paranoid niya haha! Anyway habang busy ako sa paglalakad at sa pagbabasa ay bigla akong nabangga sa isang lalaki. Bad trip nga Diary 'e ang sakit tuloy ng pimples ko! At ayun na nga nung tumingala ako nakita ko ang isang...

GWAPONG NILALANG. Siya 'yung nakita ko kila Aling Nena! Siya din 'yung kumuha sa snatcher ng cellphone ko at ang ngumiti sa akin sa Robinson's Supermarket at eto pa! Siya 'yung pinagkakaguluhan noon na lalaking nakashades sa may hallway (Bakit di ko ito nagets nung una pa lang?)

"A-Ano ba?! Ang sakit nun ha!" sabi ko syempre pasungit mode ako siya naman ngumiti sa akin

"Hi, nice meeting you," sabi niya at nakipagshake hands siya ako naman si sunud-sunuran 'e nakipagshake hands nga "Di mo 'ko namumukaan?" tanong niya

"Hindi po Kuya," deny ko, haha! Ayoko nga mag open up!

Ngumiti lang siya ulit sa akin at may kinuha sa bag niya at habang hinahanap niya ito ay kagat niya ang labi niya, "Eto na! Sigurado maaalala mo na ako" at inabot niya ang isang maliit na red letter

OMG! O...M...G...

"Ha-Hala........" sabi ko "Ikaw si Mr. Nobody!"

"Oo :D hihi!"

"Pero sabi niya pangit siya ha!" sabi ko kaya siya sinungaling Diary!

"Ibig sabihin pala gwapo ako... Ikaw ha, crush mo na ako? Ayieee! Crush niya ako! Yes! Woooh! Gwapo ako? Di ako pangit? Answeet mo naman honey ko!" sabi niya sa akin sabay tusok sa tagiliran ko namula naman ako ng todo todo "Oo nga pala mauna na ako, malelate kana, mamayang lunch sabay tayo ha?"

"Te-Teka..!" at bago ko pa maituloy yun ay siningitan niya ako

"Don't worry Honeybaby ko, mahahanap kita abangan kita sa labas ng room niyo, bye bye :D" sabi niya at agad na siyang umalis

Honeybaby...

Honeybaby...

Honeybaby...

Honeybaby...

Honeybaby...

Honeybaby...

Ako ang Honeybaby niya...

TEKA PAANO NANGYARI 'YUN?!

Huhuhu... Good Night na nga Diary

xoxo

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now