Dear Diary,
Grabe ang tagal kong nawalay sayo, siguro mga isang taon na akong 'di nakakapag-entry. Ang bilis ng panahon 'di ko nga halos namalayan 'e. Alam mo naman diary napaka-busy sa school. Pero eto na nga ikekwento ko na lang sayo 'yung mga ilan kong karanasan noong hindi ako nakakapag-entry sa iyo.
So, first of all, kinakabahan pa rin talaga ako hanggang ngayon. Hindi ko pa nakukuha ang grades ko e, pero ang nakakapagtaka kasi ay doon sa final *ehem* inuulit ko FINAL EXAMS namin, hindi ko alam bakit sa tatlong exam kong tinake lahat sila ay may magkakasunod na letter, I mean 'yung isang test lahat ng sagot sunod-sunod letter B, 'yung isang test lahat letter A at 'yung isa naman salit-salitang letter A at B?! Anong klaseng mahika iyon Diary?! Bakit ganon 'yun?
PS. Hindi ako nagtanong sa mga kaklase ko kung anong sagot nila :( kasi natatakot c aquoe na baka iba 'yung sagot nila tas ako mamamatay sa gutom dahil walang trabaho (dahil bagsak nga ako) at mamamatay sa kalye ng novaliches bayan :'(
![](https://img.wattpad.com/cover/27904694-288-k344226.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Diary ni Ms. Paranoid
AventuraParanoid personality disorder (PPD) is a mental disorder characterized by paranoia and a pervasive, long-standing suspiciousness and generalized mistrust of others. Anxiety is a general term for several disorders that cause nervousness, fear, appreh...