Ceiling Fan |Page 27 of 365|

3.4K 144 7
                                    

Dear Diary,

Kanina sa classroom di ako mapakali ang ingay kasi ng ceiling fan namin! Sabi ko nga doon sa classmate namin sa dulo patayin na niya kaya lang sinabi niya sa akin.

"Wag na! Para mas malamig. Napaparanoid ka lang dyan e!"

Aba! Parang ako pa ang dapat magrelax! Sabagay natatakot kasi ako sa ingay ng ceiling fan pakiramdam ko mahuhulog na siya at hahatiin ako ng elisi sa dalawa. Buti na lang di yun nangyari kasi bago pa ako mahati sa dalawa pinapatay na ng prof namin yung ceiling fan.

Good Night Diary Sweet Dreams!

Diary ni Ms. ParanoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon