Mr. Nobody |Page 35 of 365|

2.9K 144 9
                                    

Dear Diary,

Diary may sasabihin ako sayo! Alam mo ba kaninang pag uwi ko may nakita akong maliit na sulat sa bag ko? Color pink siya at hugis maliit na heart! At ang sabi:

Hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko dito. Alam mo madalas lang kasi kitang makita na nakapila sa elevator tapos mukha kang balisa at iiwan mo yung pila at tatakbo ka sa hagdanan. Alam mo ba na sinusundan kita nun? Sa tingin ko hindi kasi sobrang madaling madali ka. Takot ka ba sa elevator? Ako kasi takot e pero pinipilit ko sarili ko na sumakay pag alam kong makakasabay kita sa loob. Gusto ko sanang tanungin kung anong pangalan mo kayalang nahihiya ako e! Ang ganda ganda mo kasi para kang prinsesa at pakiramdam ko iddrop ako ng school pag nakipag usap ako sa tulad mo kasi pakiramdam ko wala akong karapatan.

Hanggang dito na lang prinsesa.

- Mr. Nobody

-

OMG! Diary! Ang sweet niya! Sino kaya siya? Tsk. Baka mga kaibigan ko lang naman itong nagttrip. Pero para ba talaga akong prinsesa? Hala nakakakilig siya Diary!

Good Night Diary Sweet Dreams! xoxo

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now