Resort |Page 124 of 365|

1.5K 73 4
                                    

Dear Diary,

Grabe Diary parang nilalapirot ang small intestines ko sa sobrang kilig habang katabi ko sa bus si Starbucks guy. Sheyt, talaga! Gusto ko na ngang magtulog-tulugan tapos kunwari mapapasandal ako sa kanya e! Pero syempre joke lang Diary, nakakahiya 'yun baka mamaya pababain niya ako sa bus e. Huhu. 'Diba nga 'yung kanina pinagbantaan niya.

Anyway, matapos ang ilang oras na paglalakbay ay nakarating na kami sa resort. Napuno ng hiyawan ang bus at nagsimulang magmadaling bumaba na ang ilan. 'Yung mga katabi kong lalaki naghubad na agad ng t-shirt nila habang sumisigaw.

Tumayo na ako at kinuha ko ang gamit ko sumabay din sa akin ang mga lalaki, ginigitgit nila ako! Diary! Hanggang sa may naramdaman akong kamay sa balikat ko.

"Wag ka naman kasing nagmamadali," sabi sa akin, tumingala ako at nakita ko si Starbucks guy. Ang cool niya! Ang cold ng mga mata niya.

"Ah e, kasi ano.." hala Diary hindi ko alam ang sasabihin ko! Kasi sa totoo lang naexcite na akong bumaba e! Hinigpitan niya ang hawak sa balikat ko at inalalayan ako pababa sa bus

"Wag kang sasabay sa mga lokong 'yun, wala silang paki sa mundo," sabi niya sa akin pagkababa

Natulala na lang ako Diary, ang care niya sa akin ano? Friendly gesture lang ba iyon o may gusto na siya sa akin? Diary, ang assuming ko. Sa sobrang dami ng iniisip ko, 'di ko na namalayan na wala na pala sa paligid si Starbucks guy. Sayang, gusto ko pa naman siya ii-stalk. Hay, makapagbasa na nga lang ng book two ng 'Don't Touch Us We're Famous' by AliceBellerose

Pero Diary, paano ba ako mapapalapit sa kay Starbucks guy? Bigay ka naman ng tips oh?

Good Night Diary! XOXO!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now