Tourism Student |Page 36 of 365|

3K 135 12
                                    

Dear Diary,

Kanina habang papasok ako ng school nakasabay ko sa paglalakad ang isang Tourism student, siya yung babaeng nang away sa bestfriend ko. Napaka war-freak niya kaya Diary! Lahat na lang inaaway niya! Hindi naman siya kagandahan! Sobrang maarte pa napatunayan ko yan nung aksidente siyang natapunan ng sauce ng siomai tapos ang sabi niya.
"OH MY GOD! OMG! Kadiri! Yucks!" tapos dinuro duro niya yung girl sa nakatapon sa kanya. Arte niya talaga Diary! Tapos lagi niyang pinagmamalaki yung make-up kit niya sa iba galing daw ibang bansa eh if I know galing lang ng China yun.

Habang pinapanood ko siya maglakad gamit ang sapatos niyang 4 inches ang takong at habang gumegewang gewang ang buhok niyang mahaba at kulay buhok ng mais ay bigla siyang napahinto sa paglalakad at humarap sa akin. Ang sama ng tingin niya!
Diary napaisip tuloy ako na nakakabasa siya ng isip! Agad tuloy ako napaisip ng mga papuri sakanya baka kasi bigla ako sugurin e.

PS. Hindi ako takot sa kanya. Maniwala ka Diary.

Good Night!

Diary ni Ms. ParanoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon