Gift Shopping |Page 145 of 365|

1K 37 8
                                    

Dear Diary,

Ito na ang isa sa mga nakaka-stress na pangyayari sa December, syempre kasama sa nakaka-stress ang Christmas parties, exchange gifts, pag-kain mo kasama ng buong klase, exams, mga assignments, mga projects to be passed after Christmas break, pakikisalamuha sa mga tao, traffic, pagbati sayo ng kung sino-sino ng Merry Christmas, paghihintay ng mahigit isang oras sa mga jeep at... At... *heavy breathing*

Diary, kailangan ko rin mag-rekax pa-minsan minsan. Ayaw kong mag-isip ng mga negative ngayon. It's the season to be jolly nga diba?

Naalala ko tuloy kanina habang nagshoshopping ako ng mga mga pangregalo. Biglang tinugtog 'yung its the season to be jolly. Hindi ko alam ang title nun Diary pero ang saya nun kantahin at dahil nga na-feel ko yung tugtog. Pagdating sa Lalalala! ay napasigaw ko. Sakto namang tumigil 'yung kanta dahil may nag-announce na babae.

Grabe Diary! Nakakahiya lahat sila napatingin sa akin. Huhu, next time pipigilan ko na talaga sarili ko.

PS. Naiwan ko 'yung cart ko pagtakbo ko, punong-puno pa naman 'yun ng mga regalong mahigit tatlong oras kong hinanap.

Good night Diary! XOXO!

Diary ni Ms. ParanoidDove le storie prendono vita. Scoprilo ora