Wait |Page 84 of 365|

2.1K 99 2
                                    

Dear Diary,

Maaga akong nagising kanina, kaya maaga din akong pumasok! Yey! Pero ganito ang nangyari bago ako makapasok sa unibersidad ko. Malamig ang panahon at madilim pa ang kalangitan ng ako ay lumabas ng bahay upang maghintay ng jip (Serious ako Diary!) ako lamang ang tao doon dahil madaling araw pa lang. Tahimik akong naghihintay ng biglang may humintong van sa harap ko.

Van? check.

Puti? check.

OH GOD I AM GOING TO BE KIDNAPPED. Iyan ang unang mga katagang pumasok sa isip ko lalo na ng tingnan ako ng driver ng van. Pero agad din naman siyang umandar. Bakit kaya niya ako hindi kinidnap?

Tapos, ganito na nangyari pagpasok ko sa school nakita ko si Mr. Nobody na nakatayo sa gilid ng classroom namin at pagkatapos ay inabutan niya ako ng isang card, ngumiti at nagpaalam.

Ang weird niya. Binuksan ko na 'yung card at isa siyang invitation para sa birthday ng kapatid niya.

Good Night Diary, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Diary ni Ms. ParanoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon