Distance |Page 95 of 365|

1.9K 74 5
                                    

Dear Diary,

Kanina habang naglalakad ako papunta sa classroom nakita ko ang dati kong classmate noong 4th year highschool ako. Grabe Diary! Ngiting ngiti siya sa akin at ako naman natataranta na kasi wala akong maisip na paraan para iwasan siya! Diary sobrang kaba ko talaga sa mga ganiting pagkakataon! Hindi ko alam kung ngingiti ba ako habang papalapit kami sa isa't isa kasi diba ang creepy nun? Isa pa di ko siya gaano kaclose nung classmate ko pa siya. Grabe Diary ang hirap! Pati yung tamang distansya kung kelan ako babati pinoproblema ko! Malay mo mag-hi ako tapos di niya pala ako narinig kasi masyado pa akong malayo sakanya! Argh!

Good Night Huhu :(

Diary ni Ms. ParanoidTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang