Dear Diary,
Ito na ang last day ng aming outing. Hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin ni Starbucks guy. Galit ba siya sa akin? Bad trip ba siya? Pero bakit? Wala naman akong nakikitang dahilan.
Inaayos ko na ngayon 'yung mga gamit ko at napagdesisyunan kong lumapit at kausapin siya. Kailangan kong magthank you 'diba? Diary, nalulungkot ako. Iba na kasi ata ang nararamdaman ko para sa kanya... At natatakot akong gawin niya sa akin ang ginawa ni Charles.
Baba na sana ako ng double deck ng biglang...
"Waaah!" napatili ako ng madulas ang ako sa basang basang sahig. Ang sama ng pagkakabagsak ko at sakto namang bumukas ang pinto.
"Cindy! Anong nangyari sayo?!" sigaw ng isang lalaki.
Ang sakit sakit ng katawan ko. Bakit ba kasi ako tumalon mula sa taas? Diary, ang labo labo ng paningin ko. May naramdaman akong kumuha sa kamay ko. Napipikit na ako Diary.
"Shit! Ang daming dugo! Anong gagawin?! Fuck!" sigaw muli ng lalaki, ngayon alam ko ng si Starbucks guy ito. Dahan-dahan niya akong binuhat.
Napatingin ako sa baba. Oo, punong-puno nga ng dugo ang sahig. Unti-unti na akong nawalan ng malay.
Good night Diary, XOXO.
![](https://img.wattpad.com/cover/27904694-288-k344226.jpg)
YOU ARE READING
Diary ni Ms. Paranoid
AdventureParanoid personality disorder (PPD) is a mental disorder characterized by paranoia and a pervasive, long-standing suspiciousness and generalized mistrust of others. Anxiety is a general term for several disorders that cause nervousness, fear, appreh...