Rally|Page 137 of 365|

1.3K 58 11
                                    

Dear Diary,

Ang lakas lakas ng ulan kahapon. Diary, alam mo bang nakakahiya talaga 'yung nangyari kahapon?! Diary! Muntik na akong mamatay!

Ganito kasi 'yun, nasa gitna kami ng klase ng i-suspend 'yung klase (Lupit noh? Diary.) Kaya naman 'yung mga balahura kong kaklase e nagsiliparan na palabas ng classroom. Alam mo 'yung tipong natatangay na lang nila ako?! Diary, nakaka-suffocate talaga 'yun. Ang dami nila at natatangay na lang nila ako gamit ang maaasim at pawisan nilang katawan.

Kadiri.

Oo, Diary kadiri talaga. Ito pa! May bwisit na babaeng nakatapak ng sapatos ko habang nasa gitna ako ng mala-rally na buhos ng mga tao. Kaya tuloy naiwan 'yung sapatos ko. Huhuhu! Diary nakakahiya talaga at sobrang nakakatakot kasi nagsisiksikan talaga silang lahat tapos ako payuko-yuko para damputin 'yung sapatos ko.

Kala ko matatapakan na nila ako at tuluyan na akong mababawian ng buhay.

Good Night Diary! Xoxo.

PS. Si Sydney nga pala 'yung nakatapak sa sapatos ko. 'Di manlang siya nag-sorry.

Diary ni Ms. ParanoidOù les histoires vivent. Découvrez maintenant