Kangkong |Page 54 of 365|

2.3K 131 10
                                    

Dear Diary,

AYOKO NA NG SINIGANG FOREVER! Huhuhu! Diary kasi kanina nagluto si Mommy ng sinigang na buto-buto ang sarap sarap tapos ako subo lunok na lang kasi nga sobrang sarap tapos ayun yung kangkong Diary bumara sa lalamunan ko! Akala ko mamamatay na talaga ako promise! Pero buti na lang narealize ni Papa Jesus na pangit yung dahilan ng pagkamatay ko kasi diba pag tinanong kay Mommy

"Ano kinamatay ng anak mo?"

"Ayun bumara sa lalamunan niya yung kangkong" sasagot ni Mommy

Haay Diary! Grabe talaga yun yung feeling na kalahati nung kangkong nasa loob ng lalamunan mo tas yung kalahati nasa bibig mo pa!

PS. Ayoko na ng sinigang talaga.

Good Night Diary!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now