First Date part two |Page 93 of 365|

2.1K 93 6
                                    

Dear Diary,

Sorry nakatulog ako kagabi Diary. Itutuloy ko na kung anong nangyari kahapon ha? So, ganito na nga ang nangyari...

Pagkahalik na pagkahalik niya sa aking kamay ay biglang lumiwanag ang paligid. Pagtingin ko sa paligid ko 'yung mga puno sa park may mga maliliit na ilaw. Parang mga firefly pero hindi parang mga Christmas lights. Ang galing talaga Diary! Tapos my nakita ako doon sa bandang dulo sa gilid ng fountain, table siya at may pagkain basta Diary! Ang elegante tingnan!

Sa sobrang pagka amaze ko sa paligid ay hindi ko namalayang wala na pala sa harap ko si Charles.

"Uuhh... Charles?" sabi ko

Kinabahan ako ng bongga kasi hindi ko siya makita! Iniwan niya kaya ako?! Paano ako uuwi nito?!

"Cindy,"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Charles na may hawak hawak na one dozen na roses pero mukhang hindi lang ito one dozen kasi ang dami talaga! Iniabot niya ito sa akin kamuntikan na akong mapaluhod sa bigat nito bad trip ah pero aarte pa ba ako? Haha

Nagdinner kami sa nakahandang table na nga na iyon na may mga nakahandang pagkain. Ang tahimik namin kasi naman nakakahiya kaya! Pero agad din naman siyang nagsalita.

"Ako nagluto niyan," sabi niya at napa WOW naman akong bonggang bongga! Siya talaga ang nagluto nito?!

"Talaga?!" paninigurado ko

"Oo nga! Tapos ininit na lang ng kusinero namin sa bahay kasi kaninang umaga ko pa 'yan niluto," sagot niya

In short, naging matagumpay naman ang dinner namin. Hinatid niya ako sa bahay. Sobrang saya talaga! First Date ko iyon! Ayun nga nag enjoy ako ng sobra! :)

Good Night xoxo!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now