Single |Page 146 of 365|

1K 49 13
                                    

Dear Diary,

Matatapos na ang taon... Diary dalawang christmas na rin tayong magkasama. Diary may nakakatakot akong sasabihin sayo...

S..I...N...G...L...E pa rin ako.

Diary bakit?! Huhu, bakit ganon? Ang dami namang na-link sa akin pero bakit parang wala? Parang walang nag-eeffort para sa akin? Ganito ba Diary ang simula ng paghuhugot ko? Ayokong humugot Diary para lang 'yun sa mga jejemon at breezy nation :(

Pero nung isang araw 'di ko napigilan 'yung sarili ko :(

Ako: Pabili po ng bubblegum.

Tindera: Anong klase? 'Yung V-fre---

Ako: 'Yung... Kahit na anong mangyari hindi ako iiwan. 'Yung kahit na anong hila ko sa kanya pa layo, didikit at maninindigan pa rin siyang 'di aalis sa tabi ko.

Tindera: *face palm* Sawa na akong sumalo ng mga hugot niyong mga kabataan kayo! *walk-out*

Diary ayaw kong maging hugutera :( Ito na ba ang sumpa? Huhu, ayaw ko na sa mga paasang lalaki!

"Ayaw ko na sa mga paasang lalaki!!!" sigaw ko habang naglalakad ako sa daan.

"Paasa? Kayong mga babae kaya ang paasa."

Napalingon ako sa likod ko, hawak ko ng mabuti si Diary. Kinabahan ako ng makita ko ang isang lalaking natangkad na may pulang buhok...

"Sakuragi?" tanong ko...

"Cindy?" tanong niya...

PS. Bibitinin kita Diary. Hihi.

Good night Diary! XOXO

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now