Dear Diary,
Hindi madaling magmove-on. Hindi talaga madali lalo na kung siya ang first love mo. Ang unang nagpatibok sa puso mong inaakala mong tomboy.
Ngayon, nakahiga lang ako sa kama ko. Hindi pa rin ako nagbibihis. Ito pa rin ang suot ko kahapon. Diary? Ganito ba ang pakiramdam?
Nilandi-landi niya ako tapos iiwan na lang niya ako basta basta? Ganyan na ba ang mga lalaki ngayon? Trip trip na lang ba para sa kanila ang mga babae?
Sino naman kaya 'yung babaeng ipinalit sa akin ni Charles? Diary, sabihin mo nga... Pangit ba ako? Pangit ba ugali ko? Bakit ayaw niya ako? Bakit niya ako kailangang ipagpalit? Bakit ganoon?
Sabagay, M.U. lang naman talaga kami. Wala namang 'kami' dahil bago pa magkaroon ng tinatawag na 'kami' ay nakahanap na siya ng iba. At sila ang tatawaging 'sila'
Good Night Diary, xoxo.
PS. Wag kang makikipag M.U Diary. Nakakamatay.
![](https://img.wattpad.com/cover/27904694-288-k344226.jpg)
BẠN ĐANG ĐỌC
Diary ni Ms. Paranoid
Phiêu lưuParanoid personality disorder (PPD) is a mental disorder characterized by paranoia and a pervasive, long-standing suspiciousness and generalized mistrust of others. Anxiety is a general term for several disorders that cause nervousness, fear, appreh...