A Hug|Page 157 of 365|

955 44 6
                                    

Dear Diary,

Yehey Diary! Alam mo ba mag-a-outing daw kami! Somewhere in Batanggas. Ang saya 'di ba? Haha! Diary isasama kita sa akin. Three days two nights kami doon kaya naman matagal-tagal din akong makakapagpahinga sa boses non ni Ace.

Hindi daw kasi siya sasama. Ewan ko ba! Nagpapahabol. Ang arte niya kasi talaga e. Siya 'yung tipo ng lalaking mas maarte pa sa babae at mas matampuhin pa sa babae. Hindi siya sasama dahil nasigawan ko siya na tumahimik na siya. Paano kasi super daldal niya e!

Hay, Diary nakakakonsensya tuloy bigla. Kasi hanggang ngayon hindi pa lumalabas ng kwarto si Ace. Puntahan ko kaya siya at mag-sorry? Masyado ata akong nag-overreact kahapon. Kahapon pa kasi nung nasigawan ko siya, simula nun hindi na siya sumasabay samin kumain ni Mommy. Hindi na rin siya maingay at laging nakangiti. Lagi na lang siyang nasa isang sulok, tulala o kaya nakikipaglaro kila Sushi at Waffles. Hay, Diary!

Teka, Diary pupuntahan ko na si Ace at magso-sorry sakanya...

-

After two hours ng palakad-lakad ako Diary sa tapat ng pinto niya, ayun! Walang nangyari! Hindi ko nagawa. Nakakahiya kasi e! Baka mamaya nagalit na pala siya sa akin at ako ang sigawan niya. Baka naman umiyak siya at sisihin ako ni Mommy. At sa huli, ito ako nasa kwarto at kinakain ng konsensya...

-

Diary! Hindi mo paniniwalaan ang nangyari! Diary! Ganito kasi iyon! So, habang nagsu-sulat ako sayo. Biglang may kumatok sa kwarto ko. Akala ko si Mommy o 'yung kapatid ko. Pero hinde! Mali ako!

Isang pizza box ang nandoon, Yellow Cab. Tapos may note sa taas. Nakalagay...

"Cindy... Sorry na :( Pansinin mo na ako..."

Ayan 'yung nakasulat! Grabe Diary! Dinala ko agad sa kama ko 'yung pizza box at pagbukas ko 'yung favorite na seafood pizza ang nandoon! Yehey! Ang saya talaga! Ubos ko na ngayon 'yung pizza. Pakiramdam ko nasusuka ako. Ngayon pupuntahan ko na siya sa kwarto niya para kausapin siya.

- - -

Diary... Dito na ako sa kwarto tapos ko na siyang kausapin. Nabigla ako kasi bago pa ako kumatok binuksan na niya ang pinto ng kwarto niya. Agad niya akong niyakap. Diary, ang higpit ng yakap niya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Ang tangkad niya kasi kaya hanggang dibdib niya lang ako. Tapos binulungan niya ako na...

"Pasensya kana Cindy, kaya lang naman ako makulit at madaldal sayo dahil namiss talaga kita."

Good night Diary XOXO!

PS. Sasama na daw s'ya sa outing :)

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now