Not Expected |Page 155 of 365|

947 39 5
                                    

Dear Diary,

Nandito na ako ngayon sa bahay. Buo pa ako, nandito pa naman ang paa at kamay ko. Hindi naman ako nachop-chop o kung ano man. In short, ligtas ako! Yehey!

So, nagtataka siguro ikaw Diary kung anong nangyari kahapon. Diary... Ike-kwento ko na...

"Ba-Bakit? Paano niya ako nasundan? Shit, I need to get out of here!" sabi ko.

Hinawakan ako sa braso ni Ace, ang pinaka 'The best' kong kababata na itinutulak ako sa kasamaan. He told me to stop and don't go.

"What the Hell! Ace? He's a bad guy! At alam mo bang ilang araw na niya akong hinahabol-habol!" paliwanag ko.

Akmang lalabas na ako ng pinto ng biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang isang lalaking matangkad. Naka-jeans ito ng medyo fit at kulay black, naka-t-shirt itong kulay orange na may print ng coca cola. Napatingin siya sa akin at nanglaki ang kanyang mata.

"Ikaw! Cindy!" sigaw niya.

Nanginig naman ako sa gulat. Hinila ko si Ace at nagtago ako sa likod niya.

"Hoy, anong ginagawa mo? Nagtatago ka ba?" sabi ng masamang lalaki sa akin.

Mukhang hindi sila nagkakalayo ng edad ni Ace. Siguro dalawang taon lamang ang tanda ng masamang lalaking ito sa kanya.

"Look, hindi naman kita sasaktan e. I just have to ask you something, and I think kailangan kong i-clarify sayo ang lahat."

He sat at the corner of the bed. Hindi ko pa rin binibitawan ang shorts ni Ace. F.Y.I, topless pa rin siya hanggang ngayon. Huminga ng malalim ang lalaki.

"I'm James, and I meant no harm," ang husky ng boses niya, "I'm sorry kung natakot man kita noong nakaraang araw. I mean, tinatakot lang talaga kita."

He chuckled, "I know Ace, and noong nalaman kong babalik na siya dito para hanapin ka. I felt the urge to... Find you... And have fun."

In short, pinagti-tripan niya lang ako? Am I some sort of toy para sa lalaking ito? Tiningnan ko ng masama si Ace, he got some explainings to do.

"What?" tanong ni Ace, napailing siya at nagsalita, "Hay, sorry kasabwat ako sa panti-trip sayo. Titingnan ko lang naman kung paranoid ka pa rin katulad dati nung bata tayo. Surprisingly, you're still the same. You haven't changed nga 'di ba?"

"Wait, what? Teka, but first paano nalaman ni James ang tungkol sa garbage bag? Paano mo nalaman na paranoid ako?" tanong ko.

"Actually, 'yung garbage bag na binabanggit ko is ako talaga ang nagtapon nun. Basura lang ang laman nun kaya you don't have to worry. Gabi non at ng marinig ko na may paparating na sasakyan nagtago ako. Baka kasi 'yun 'yung nagpa-patrol na tanod, mahuli pa ako," he smiled, "Then I saw you driving the car."

Huminga ng malalim si James at napakamot sa ulo, "I didn't know that you're Cindy until habang nagcha-chat kami nitong si Ace ay bigla na niyang binanggit na babalik siya dito at isa sa mga bucketlist niya ay ang hanapin ang babaeng si Cindy. Nag-send siya ng picture mo, and then boom! Naalala ko 'yung gabing iyon. I told Ace that I saw you and even told him that I would set a prank for Cindy, pumayag naman siya."

I gave Ace a I-will-kill-you look. So, ito lang pala ang dahilan ng lahat. I'm glad na hindi totoo na tao ang nasa garbage bag, at masaya ako na wala ng nagbabanta sa buhay ko.

"At kaya ko nalaman na paranoid ka dahil nung kararating ko lang dito sa Pinas, I drove my car papunta sa house niyo. Only to see you at the police station currently begging for the police officer to catch 'James', natawa nga ako nun e at naisip ko na it's not the perfect time para puntahan kayo. So, I decided to go home," wika ni Ace.

Ilang oras din kaming nagkwentuhan. After that, I said my goodbye. Inihatid ako ng dalawa sa bahay. Natuwa naman si mommy dahil bumalik na si Ace at sinabi niyang welcome sila sa bahay anytime nila gusto...

Diary hindi ko naman inaasahan na dito na titira si Ace ng halos tatlong buwan. Diary, helpppp!

:'(

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now