Airplane |Page 94 of 365|

2.1K 84 3
                                    

Dear Diary,

Akala ko mamamatay na ako talaga kanina. Kanina kasi pagkagaling ko sa school inutusan ako ni Mommy na diligan ko daw yung mga halaman namin sa garden at dahil sa mabuti at masunurin akong anak ay sinunod ko siya. Habang nagdidilig ako ng mga halaman namin bigla akong may narinig na isang malakas na ingay narealize ko Diary na isa yung eroplano na mababa lang ang lipad grabe Diary! Karipas ako ng takbo palabas ng bakuran namin papunta sa kabilang street! Ang lakas ng tibok ng puso ko! Akala ko kasi babagsak na yung eroplano! Grabe naiwan ko tuloy na bukas yung hose kaya ayun may baha sa garden namin nalunod na yung bermuda grass namin.

PS. Buti na lang di bumagsak yung eroplano kundi di lang lunod ang nangyari sa bermuda grass namin.

Good Night Diary! xoxo

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now