Last Day Part 2 |Page 129 of 365|

1.4K 67 5
                                    

Dear Diary,

"Awww," I groaned sabay stretch. Dahan-dahan kong iminulat ang aking nga mata. Nahihilo pa talaga ako pero kailangan ko ng dumilat.

Nasaan ba kasi ako? Ang sakit ng ulo ko! Hmm... Nasa ospital ako? Unti-unting naging clear ang paligid at nakita ko si Starbucks guy sa tabi ko. Nakaupo at tulog.

"Kuya? Uuuh, hello? Classmate? Hindi, hindi nga pala kita classmate... Pero ba't kasama kasa outing? Nevermind," sabi ko sabay shrug.

Tumingin ako sa bintana at nasurprise ako na madilim pa sa labas. Medjo naaalala ko na ang lahat ng nangyari kahapon o kanina... Ewan ko. Tumalon ako mula sa itaas ng double deck, nadulas at nabagok ang ulo.

Inalog-alog ko ang upuan ni Starbucks guy at ilang saglit lang ay nagising na siya. Una tinitigan niya muna ako at ng marealize niya siguro na si Cindy ito ay bigla siyang napayakap.

"Salamat naman at gising ka na!" sabi niya habang nakayakap, bumitiw din siya agad at mukhang nahiya siya, "Sorry."

"A-Ano... Okay lang naman e," sabi ko sabay wave ng hands sa harap ko.

"Gusto mo ba ng makakain?" tanong niya, "Anong gusto mo?"

Gusto ko? Uuumm, gusto ko ng umuwi. Pero bago iyon... Gusto ko malaman pangalan niya. Ang tagal na naming magkakilala tapos hindi ko manlang alam ang pangalan niya?

"Anong pangalan mo?" tanong ko at hindi ko napigilang ngumiti. Waaah! Diary, hindi ko 'yun sinasadya! Bigla na lang akong napangiti! Pero, 'di ko talaga 'yun sinasadya!

Nagblush siya at agad siyang napatakip ng bibig, "Why do you need to know?"

"Because I need to," maikli kong sagot. C'mon! Sabihin mo na please?

Naglakad siya papunta sa pinto. I guess hindi niya talaga sasabihin. Hay, ang lungkot naman Diary.

"Bibili ako ng makakain, hintayin mo na lang ako," paalam niya then binuksan na niya ang pinto at lumabas.

Hindi pa niya naisasara ang pinto ng dumungaw siya, ngumiti siya sa akin at nagsalita, "It's Davis."

Isinara na niya ang pinto at iniwan niya akong tulala at nagbblush.

Good Night Diary, XOXO!

Diary ni Ms. ParanoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon