The Night |Page 152 of 365|

1K 44 18
                                    

Dear Diary,

Ang tindi ng tugtog sa buong gym ng pumasok ako. Magte-ten o'clock na ng gabi, natapos na ang mga program at mga sayawan na lang ang natira. Na-late ako ng pagpunta dahil sa patong-patong na kamalasan, katulad ng ma-flat-an kami ng gulong at maipit sa traffic.

Agad akong nilapitan ng mga kaklase ko at inayang sumayaw sa gitna. Hinihila nila ako at amoy alak ang kanilang hininga.

"Bakit kayo amoy alak? Hala," sabi ko.

"Ano ka ba? College na tayo kaya gumawa naman kami ng kakaiba ngayon, nagdala kami ng beer ng 'di nahahalata! Nakalagay sa mineral water ni Josh," paliwanag ni Vidette.

Nooo! Nagdala sila?! "Nako! Kapag kayo nahuli malalagot kayo!"

"Elementary lang!? At highschool?! Duh! College na! College life! Woooohhh!" sigaw nila.

"Bahala na nga kayo d'yan," sabi ko sa kanila sabay lakad palayo.

Habang naglalakad ako palayo naririnig ko pa rin na tinatawag nila ako at inaayang uminom. Hay, mga kaklase ko talaga. Ang ingay talaga sa loob ng gym. Sigawan ng mga tao, matatapang na pabango, magugulong ilaw at malalakas na tugtugan.

"Sydney ang ganda mo talaga ngayong gabi."

Napalingon ako sa likod ko at doon nakita ko si Charles at Sydney. Oo nga, ang ganda nga ni Sydney maikli ang suot niyang dress na kulay cream at black, hapit na hapit ito sa sexy niyang katawan. Si Charles naman ganoon pa rin, mukhang presentable at gwapong-gwapo.

"Uy, ano ka ba Charles! 'Wag ka ngang maingay nakakahiya ka naman e. Nandito si Cindy oh?" wika ni Sydney.

Sandaling napatingin sa akin si Charles. Pagkatapos nun ay hinila niya si Sydney at hinalikan. Sht, Diary bakit ganito? Ang kirot.

Tumakbo ako palayo, hindi ko alam ba't niya iyon ginawa pero oo nagtagumpay siya. Nasaktan ako. Tumakbo ako palabas ng gym. It's a relief ng makalabas ako sa makasalanan at maingay na lugar na iyon.

Napasandal ako sa puno, hinihingal ako. Para bang may bumabara sa lalamunan ko, sht, naiiyak ba ako? Talaga Cindy? Iiyakan mo s'ya?! Ngayon pa?

"I hate you Charles," sabi ko sa sarili ko.

Umupo ako sa tabi ng puno. Tinanggal ko ang heels ko at nag-indian seat. Kainis, ito na nga tumutulo na ang luha ko. I hate this feeling. 'Yung wala akong magawa para pigilan 'yung sakit.

"Sira na 'yung make-up ko na matagal kong pinag-aralan sa Youtube! Masaya kana?! Ha?! Masaya kana Charles!!!? Ef you! Charles! Ef you!" sigaw ko sa abot ng makakaya ko.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi na ako babalik doon. Bwisit silang dalawa.

Tatayo na sana ako para umuwi na... Ng may biglang humila sa kamay ko...

Saktong nagsipatayan ang ilaw sa buong campus. Paghila niya sa akin bigla niya akong niyakap....

"Sino ka?" mahina kong tanong

Amoy strawberry... Ang bango niya...

Unti-unti akong nahilo at... Nawalan ng malay.

Diary ni Ms. ParanoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon