Cool |Page 158 of 365|

1K 37 6
                                    

Dear Diary,

Flashback:

"Ugh, talaga bang dapat kasama ako dito?" tanong ni James kay mommy.

Nakatayo kami ngayon sa harapan ng sasakyan namin. Si Ace busy sa kalalagay ng nga gamit namin sa likod. Si mommy naman ay chine-check 'yung side mirror. Ako naman nakatayo sa gilid ni James.

"Mommy ba't kasama pa kasi siya?" tanong ko.

Ayaw ko nga itong kasama. Ayoko ng mukha niya at lalo na ang mga prank niya. Geez, it's either maiwan ako or hindi siya sumama!

"Tumahimik kayong dalawa! Sasama kayo sa ayaw at sa gusto niyo. Requirement ito," sabi ni mommy.

"PARA SAAN?!" sigaw naming dalawa ni James.

Pumasok na ako sa sasakyan. Si James naman nag-aalangan pa. Tinulak tuloy siya ni Ace papasok at saka pumasok na si Ace.

"Tabi kami ni Cindy. Kaya ako muna," sabi ni Ace. Woah, ang seryoso ng dating niya ah?

Umusog na ako para makaupo si Ace tapos sumunod naman na tumabi si James. Nasa harapan naman 'yung kapatid ko at si Mommy ang nagda-drive. Si Sushi nasa lap ng kapatid ko at si Waffles naman sakin.

"Let's gooo," sabi ni mom.

Ito nanaman si Ace, wala nanaman siyang tigil sa kasasalita sa akin. Puro siya kwento tungkol sa destination na pupuntahan namin at kung saang hotel daw kami magste-stay. Nakakainggit tuloy si James, nakasandal lang 'yung ulo niya sa bintana, naka-earphone at natutulog.

"Cindy, tutulog akooo~" sabi ni Ace.

"Huh? Teka, may dinalang unan e," hahalungkatin ko na sana sa likod namin kung nasaan 'yung unan ng bigla niya akong hinila.

"Ayoko ng unan," sabi niya habang nakapatong ang ulo sa balikat ko ang mga mata niya nakapikit, "Ikqawz lhang zxaphat nuah."

Shit, ang cute niya mag-jejemon. Natawa tuloy ako sa sasakyan.

Good night! Sweet dreams! XOXO

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now