Racism |Page 103 of 365|

1.8K 70 2
                                    

Dear Diary,

Maaga akong pumasok kanina, himala 'yun Diary! Ang hirap kaya gumising sa umaga lalo na kapag mahimbing na mahimbing ang tulog ni Mr. Fluffy sa tyan mo ang cute cute niya! Tapos eto na nga 'yung nangyari, pagpasok ko sa school at pagpila ko sa elevator ay may napansin akong mga nakapilang african-american exchange students. Ang astig nila ang tatangkad nila! Kaya tinitigan ko sila tapos napatingin din sila sa akin.

Ng biglang sumagi sa isip ko na baka iniisip nila na racist ako at masama ang iniisip ko sa kanila! Huhu! Kaya ayun hindi na ako tumingin sa kanila tapos nung di ako tumitingin sa kanila naisip ko na baka naiisip nila na guilty ako!

Huhu! Diary nakakaiyak talaga. Anyway, magkasama kaming kumain ng lunch ni Sydney ang bago kong kaibigan at wala siyang tigil sa kakakwento tungkol kay Charles.

Good Night Diary! xoxo!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now