Tree |Page 91 of 375|

2.1K 106 18
                                    

Dear Diary,

Kanina nakita ko si Mr. Nobody sa ilalim ng puno nagpapahinga siya at parang tulog. Diary, gusto ko siyang lapitan paano naman kasi may ibinigay sa akin ang adviser ng section namin sabi niya ibigay ko nga daw kay Charles... Oo Diary, Charles ang pangalan ni Mr. Nobody. ANG GWAPO DIBA?! Diary nakakakilig pangalan niya! So, ganito na nga ang nangyari unti-unti akong naglakad papunta sakanya. Nakahiga siya sa bermuda grass tinatabingan ng braso niya ang kanyang mga mata at 'yung isang kamay niya naman ay hawak hawak ang isang libro.

Umupo ako sa tabi niya at bigla siyang nagsalita, "Ayusin mo ang upo mo baka masilipan ka."

Namula naman ako at agad na umayos ng upo, "Uy..." sabi ko sabay kalabit sa braso niya pero hindi niya ako pinansin napatingin naman ako sa mga basketball players ng school namin na nagppractice.

"Bakit? Siguro miss mo na ako ano? Ikaw talaga!" sabi niya at umupo na siya sa tabi ko

"Hoy! Hindi ha! 'O eto! Ipinapabigay ng adviser namin," sabi ko sabay abot ng isang folder

Tinanggap niya naman ito at ngumiti sa akin, "May itatanong ako."

Alam mo ba Diary pagkasabing pagkasabi niya nun ay talagang kinabahan ako! Agad na nagflash back sa utak ko lahat ng mga kahihiyan at kalokohan na ginawa ko sa buong buhay ko!

"Ano 'yun? Dali papasok na ako sa last subject namin," sabi ko sakanya saka ako tumayo at nagpagpag

Ngumiti naman siya sa akin at tumayo na rin at nag unat. Grabe, hanggang balikat niya lang ako.

"Pwede bang magdate tayo bukas?" tanong niya pero hindi! Diba nag aaya siya? Argh! Diary ano bang kaibahan nun? Anyway, napatango na lang ako at bigla akong tumakbo palayo sakanya at papunta sa classroom.

Jusko! Siguradong pulang pula ang mukha ko! Nakakahiya!

Good Night Diary xoxo

Diary ni Ms. ParanoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon