Meet |Page 108 of 365|

1.8K 80 5
                                    

Dear Diary,

Kanina habang malungkot ako ay inutusan ako ni Mommy na bumili ng cake. Nakalimutan kong birthday pala ngayon ni Sushi, hay, ang sama ko nakalimutan ko iyon. Agad akong nagbihis ng pang alis at umalis na at pumuntang S.M para maghanap ng cake.

Napadpad ako sa Tous Les Jours at doon ako nakabili ng cake na mukhang bear. Pero eto na nga 'yun Diary, habang pumipili ako ng cake at nung nakapili na ako which is 'yung mukhang oso at tinuro ko na biglang may tumuro din nung cake.

Biglang nagliyab talaga 'yung mata ko ng makita kong may ibang daliri na tumuro sa cake! Agad ko siyang tiningnan ng masama at ng mapatingin siya sa akin ay tumingin din siya ng masama.

"Nauna ako," sabi niya sa akin

"Hindi kaya! Ako kaya nauna! Madaya ka!" hirit ko pero hindi niya ako pinansin, inisnob niya lang ako saka siya naglakad sa counter at parang tinanong niya kung may stock pa 'yung cake na 'yun at oo daw meron pa

Sa huli, umuwi na ako sa bahay ng dala dala 'yung cake. Hindi na ako kinausap nung lalaking 'yun hanggang sa magkahiwalay kami. Napakasungit niya naman pinatulan pa 'yung babae, tsk. Pero Diary eto ha, nung pababa na ako ng escalator muli akong tumingin sakanya and guess what?

Nakatingin din siya sa akin.

Good Night Diary! XOXO!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now