Tips|Page 140 of 365|

1.1K 48 3
                                    

Dear Diary,

Gusto kong malaman mo na hindi ako nandito para magsulat ng mga kagimbal-gimbal kong karanasan ngayong araw. I'm here Diary, because I wanted to share some tips for you.

English 'yun Diary, ang sakit sa ulo ha.

Anyway, Diary... Paano nga bang masisiguradong handa ka pag aalis ka sa bahay at hindi mo sure ang pupuntahan mo at kailangan mong makipagsapalaran sa Maynila para marating mo ang destinasyon mo?

Tip #1: Magsuot ng komportableng kasuotan. 'Wag pabebe Diary ha, 'yung naka-skater's skirt ka tapos sasakay ka sa karag karag na bus.

Tip #2: Sikaping alamin ang dadaanan. Dapat may plano ka Diary kung anong sasakyan mo at kung maguluhan ka 'wag kang mangisay sa takot sa pagtatanong ('Wag mo kong gayahin.)

Tip #3: Magdala ng snacks, tubig at gamot para sa hilo, lbm o lagnat. Syempre laging ready dapat.

Tip #4: Ilagay ang bag sa harap kapag nasa maraming tao. Mahirap na Diary, maraming makakati ang kamay.

Tip #4: Magdala lagi ng extra money. 'Wag kang magtitipid sa dala mong pera Diary kapag 'di mo sure ang daan.

Tip #5: Ilagay ang mga importanteng kagamitan sa pinakaloob ng bag. Parang awa mo na Diary 'wag mong ilalagay ang Iphone mo sa bulsa lang ng bag mo.

Tip #6: Maglagay ng pera sa bag at isa naman sa bulsa ng pantalon mo. Para kapag nahablot ang bag mo, makakauwi ka pa. 'Di yang mamamalimos ka mapagkamalan ka pang kaanib ng budol-budol gang.

'Yun lang sa ngayon Diary! Sleep na tayo Diary!

Good night! XOXO!

A/N:

Muling ipanumbalik ang mabilisang update! Yey! Thank you sa mga sumusuporta ng DNMP! At sana may naitulong ang entry na ito sa inyo :) Kung may mga tips pa kayo d'yan pwedeng-pwede niyong i-comment para sa ikabubuti nating 'manlalakbay' XD

Thank you!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now