Go |Page 160 of 365|

870 28 8
                                    

Dear Diary,

Malapit na kami sa destination namin. Tulog na tulog si Ace sa balikat ko habang si James naman ay naghe-headbang na sa gilid. We pulled over sa may tutuluyan namin motel? I don't know kung anong tawag doon e.

Ang ganda talaga! Gawa sa kahoy 'yung bahay tapos maraming kwarto. Each room may number so parang sa hotel rin pero ito kasi parang nakakapagbigay sayo ng beach vibes alam mo 'yun?

So, pumasok na kami sa room. Ang hirap gisingin ni Ace pero nung nilagay ni James ang earphone niya sa tenga ni Ace, aba! Bigla bigla itong napatayo!

"Grabe, ang sakit ng ulo ko Cindy," sabi niya sa akin.

"Pwede na akong umuwi?" tanong ni James kay Mommy.

Tiningnan naman siya ng masama ni mommy. Ang ganda ng tutuluyan namin at syempre ng beach! White sand tapos ang linis at kakaunti lang ang tao. Sa loob ng tutuluyan namin may dalawang kwarto pa. May sarili din kaming mini kitchen, t.v at bathroom.

"Wow! Ang ganda dito po!" wika ko.

To cut it short, inayos na namin ang gamit namin then lumabas na kami para mag-swimming agad. Naka-swimsuit ako pero one-piece lang. Si James naman mukhang tamad na tamad sa buhay pero dala niya ang camera niyang mukhang sosyal at siya na ang gumanap bilang photographer namin.

"Hu! Ang init na!" wika ng isang lalaki.

Lumingon ako sa kanya at napa... What the heck?!!!

"Da-Davis?!" sigaw ko.

Slow-mo siyang tumingin sa akin and oh my gosh! Ang mga mata niya ang mukha niya, napakaganda! He looked surprised at agad niya akong nilapitan.

Diary ni Ms. ParanoidDonde viven las historias. Descúbrelo ahora