Dear Diary,
Tulungan mo ako Diary! Nagmamakaawa ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Wala pa akong kain, wala pa akong tulog. Wala pa akong lahat!
Diary, paano na ako?! Mamatay ako ng maaga! Ganito kasi 'yun Diary.
Isang tanghali, naglalakad ako sa isang mataong lugar. Papunta ako sa sakayan ng jeep papunta sa amin. Ng maramdaman ko na parang may kakaiba sa braso ko.
Parang ang bigat at medyo makirot. Doon ko naalala ang pakiramdam ng matusukan ng syringe. Diary! Alam mo bang on the spot e pinagpawisan ako ng malamig?! Para bang umikot ang mundo ko!
So, ganoon na nga ang nangyari Diary. Kung hindi mo pa nage-gets e, i-try mong i-recall 'yung mga usap-usapan dati. 'Yung tungkol sa babaeng taga-UST na pumuntang recto at natusukan ng syringe na may nakalagay na 'Welcome to H.I.V world' at 'yun na nga, sa syringe nandoon ang dugo ng isang H.I.V patient.
Diary, ito na ba talaga ang katapusan ko? Sa buhay ko na ito, dito lang ba magtatapos ang lahat? Diary...
Katapusan ko na ata.
Good Night Diary.
PS. Mag-iingat ka Diary kapag pumupunta sa matataong lugar.
![](https://img.wattpad.com/cover/27904694-288-k344226.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Paranoid
AdventureParanoid personality disorder (PPD) is a mental disorder characterized by paranoia and a pervasive, long-standing suspiciousness and generalized mistrust of others. Anxiety is a general term for several disorders that cause nervousness, fear, appreh...