WHAT? |Page 85 of 365|

2.6K 108 12
                                    

Dear Diary,

May hindi inaasahang nangyari ngayong araw na ito. Saturday na ngayon at paremind lang Diary, bukas na ay ang party ng kapatid ni Mr. Nobody. Ganito 'yun Diary kanina kasing umaga ay nagising ako sa malalakas na tawanan mula sa ibaba, hindi ko nga halos ma-identify kung iyak ba 'yun o tawa pero alam ko na si Mommy 'yun! Kaya dali dali akong lumabas ng kwarto ko at tumakbo pababa ng hagdan! Hindi pa ako nakakapagsipilyo, suklay, hilamos at hindi pa ako nakakapagbihis (Ang suot ko kasi kanina sa pagtulog ay shorts at tank top lang, AYIEEEE! TULO LAWAY NI DIARY! Yung picture ko na nakapangtulog Diary tinape ko sayo ah!) tapos habang pababa ako nadapa ako! Mahabang istorya kung bakit basta nadulas ako sa nakakalat na shorts ng kapatid ko.

Grabe Diary! Buti di ako talagang nahulog na as in plat na plat 'e di sana lalong naplat itooong... well, anyway ayun na nga pag tingala ko nakita ko si Mr. Nobody na ngiting ngiti at si Mommy na sige naman ang tawa, 'yung totoo? Di niya nakita 'yung anak niya na halos bawian na ng buhay sa pagkadapa?! Pero teka! Bakit nandito si Mr. Nobody?

So ayun na nga Diary, shet Diary kapagod pala magsulat sayo! So, ang nangyari pala kwentuhan to da max silang dalawa at nagpakilala na si Mr. Nobody kay Mommy. May binigay pa nga si Mr. Nobody sa akin na one dozen na roses at ferrero rocher (Kailangan i-italicized Diary! Ferrero 'yan 'e! At eto ididikit ko nanaman sayo Diary 'yung pic ng binigay niya) kilig kaya ako Diary!

Pero ano kayang ibig sabihin nun?

PS. Sa tingin ko gustong makipagkaibigan sa akin ni Mr. Nobody :D Ikaw Diary ano sa tingin mo?

Good Night! Sweet Dreams!

Diary ni Ms. ParanoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon