No |Page 153 of 365|

821 36 4
                                    

Dear Diary,

Unti-unti akong nagising sa amoy ng mabangong sinangag. Idinilat ko ang mga mata ko ng kaunti upang 'di ako gaano masilaw sa napakatingkad na ilaw. Ng maaninag ko na ang lugar ay agad akong napatayo sa kinahihigaan ko.

"Where am I?! Sino ka?!" sigaw ko sabay turo sa lalaking topless na nagluluto.

Nakatalikod siya sa akin at wow ang ganda ng katawan niya. Hindi siya gaanong maputi ngunit 'di rin gaanong maitim. Ang tangkad niya rin, siguro nasa 5'8 siya.

"Who are you? Bakit ako nandito?" tanong ko.

Dahan-dahan akong bumaba sa kama. Hindi ba niya ako naririnig? Ang lakas kasi ng tunog ng niluluto niya at nag-hu-hum pa siya. Napatingin ako sa paligid. Napakaganda! Mukhang sosyal ang bahay niya. Modern style at mukhang mamahalin ang mga kagamitan.

Shit, hindi kaya pinagsamantalahan niya ako?! Napalunon ako bigla at napadasal na sana mali ang nasa isip ko. Unti-unti akong lumapit sa kanya at ng nasa likod na niya ako.

"Hey soul sister!" pasigaw niyang kanta sabay harap sa akin.

Nanglaki ang mga mata niya. Nawala rin ang malawak niyang ngiti ng makita niya ako. Mukhang kaka-shave niya lang at kulay brown ang buhok niya. Napahawak siya sa kitchen counter sa gulat.

"Gising kana?" tanong niya.

"Malamang!" sagot ko, "Sino ka ba?! Bakit ako nandito?!"

Naamoy ko nanaman ang strawberry scent. Biglang nag-flashback sa akin lahat ng nangyari kagabi ang pag-kidnap at ang... Ginawa ni Sydney.

"Akala ko tulog ka pa," sabi niya.

"Pwes, gising na ako. Bakit mo ko kinidnap?! Ang sama mo! Isusumbong kita sa pulis!" wika ko.

Totoo na talaga ito! Isusumbong ko siya sa pulis. Anong dahilan niya at kinuha niya ako? Sino ba siya? Namutla siya bigla at ng akmang tatalikod na ako upang tumakbo palayo ay dali-dali niya akong hinawakan sa braso.

"Sandali lang!" sabi niya, "Hindi mo ba ako naaalala?"

Napatigil ako at tiningnan siya na para bang nagtataka. Patibong niya ba ito? Nakatago ang isa niyang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon niya. Anong tinatago niya doon? Pampawala ng malay? Pepper spray?

"Bitawan mo ako!" sabi ko aa kanya.

Binitawan naman niya ako at napakamot siya sa ulo.

"Hindi mo talaga ako natatandaan ano?" natatawa niyang sabi sa akin.

Hinugot niya sa wallet niya bigla at ipinakita sa akin ang isang picture na lumang-luma.

"Ayan? Natatandaan mo na?" tanong niya.

Tiningnan ko maigi ang picture. Doon nakita ko ang batang ako na masayang naliligo sa pool at isang batang lalaki na umiiyak sa tabi ko. Teka, hindi maari ito. Siya ba si...

Binawi niya sa akin ang litrato at sinabi, "Oo Cindy, ako nga... Ako 'yung lalaking pilit na ipinagkakasundo sayo."

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now