No Part Two |Page 154 of 365|

852 37 5
                                    

Dear Diary,

"No..." bulong ko habang nakatitig sa kanyang kulay brown na mga mata.

Ngumisi siya sa akin, "Yes. Ako nga ito, hindi ka ba naniniwala?"

"No, wala ka dapat dito! I thought nag-stay kana sa U.S? Bakit ka nandito? For what?" tanong ko sa kanya.

This is bad, I don't want him to be here! He's worst, makulit siya at magulo! At isa pa, hindi ko na kayang makipag-friends sa kanya dahil sa marami akong naaalalang nakakahiyang nagawa ko kasama siya.

"The truth is, I missed Philippines so much that's why I came back here. Saka, I saw you at a beach resort before with your classmates I think? Tapos bigla kang nagflashback sa isip ko, naalala kita ikaw 'yung babaeng..."

"Shut up! First, you've never been here in the Philippines so bakit mo mami-miss ang Pilipinas, aber? Second, paano mo nalaman na ako nga si Cindy e malaki na ako!" sabi ko sa kanya.

Napaisip siya bigla at after ilang segundo ay nagsalita na siya, "Syempre ikaw ang first love ko that's why when I saw you I already knew that you're Cindy. Saka, look at yourself you hadn't change naman! You're still small and a small... Uhhh..." napatingin siya sa dibdib ko at napaisip, "Body frame."

He chuckled nervously. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon. Bakit biglaan? Bakit ngayon pa? Alam ba ito ni Mommy? I guess not, this guy infront of me loves surprises kaya nga kinidnap niya ako 'di ba?

"Whatever! I'm going home. I hate you, go back sa America and I'll go back sa bahay ko," wika ko.

"Ha? No! 'Wag kang aalis!" pigil niya sa akin.

"Ang pangit ng accent mo so 'wag kang trying hard mag-tagalog," sabi ko sa kanya.

Nagpameywang siya, "Wow ha? Ang taray mo na ngayon. Ang cute mo Cindy! Pakurot nga sa pisnge!"

"Don't touch me," tapik ko sa kamay niya.

Huminga siya ng malalim at napayuko. Anong ibig sabihin nito? Suko na ba siya? Hindi na ba siya magkukulit?

"Cindy pwede bang 'wag ka munang umalis?" sabi niya sa akin.

"What? I can't heaaar youuu!" pabiro kong sabi sa kanya.

"C'mon Cindy, don't play games. We're already adults please act one."

Hinabol-habol niya ako habang paikot-ikot ako sa bahay niya. Hinahanap ko kasi ang purse ko.

"Lalala, I don't care!" sigaw ko.

Ng makita ko ang purse ko ay tumingin ako sa kanya ng mapang-asar. Napabuntong-hininga siya.

"Cindy there's someone that needs to talk to you," sabi niya sa akin.

Wala pa rin talaga akong paki sa sinasabi niya. Sigurado naman akong joke niya lang iyon para 'di ako umalis.

"Cindy, listen to me," pagmamakaawa niya, "It's this guy, sabi niya may utang ka daw sa kanya."

Nabitawan ko ang purse ko ng marinig ko 'yun. Napalunon ako at naglaki ang mga mata ko. Utang? Iisa lang ang taong nagsasabing may utang ako sa kanya.

Diary ni Ms. ParanoidOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz