Lost Part 1 |Page 126 of 365|

1.3K 68 10
                                    

Dear Diary,

Naiinis ako. Kanina kasi inutusan ako ng pangit na baboy naming President para hanapin 'yung iba naming classmate na pasaway. Grabe Diary! Alam mo ba kung anong oras niya pinapahanap 'yung mga classmate kong iyon?!

9:00 na ng gabi! Nakakainis talaga Diary! Actually, may mga kasama namab akong maghahanap kaso... Maniniwala ka ba Diary na ang naassign na kasama ko ay 'yung grupo ng mga lalaking pasaway din na nakaupo sa dulo ng bus?!

Sure ba talaga si Ms. President sa sinasabi niya?! Palibhasa kasi brat e! Kaya utos lang siya ng utos! Lumabas na ako ng cottage namin para simulan ng hanapin 'yung anim naming nawawalang kaklase. Nauna na akong umalis sa kanila dahil alam kong hindi naman sila maaasahan.

Naglakad-lakad na ako kung saan saan habang isinisigaw ang kanilang mga pangalan. Nakakapagod ha!

"Walang kwentang class president!" sigaw ko

Nagdabog pa ako sa buhanginan at sumigaw sa harap ng dagat sa inis.

"Utos ka ng utos! Bakit hindi ikaw ang gumawa ng mga iniuutos mo! Bakit?! Tamad ka kasi WAAAH!"

Napaupo na lang ako sa buhanginan at kumuha ng isang tumpok at binato ito sa tubig, "Itatapon kita sa dagat! Maarteng class president!"

Sigaw na ako ng sigaw ng kung anu-anong pang iinsulto ng may biglang maramdaman akong mainit na hininga sa leeg ko. Kinilabutan naman ako at parang nafreeze. Lilingon ba ako?! Shitz! Paano kung multo ito?! Paano kung zombie ito! Oh GOD! MAMAMATAY AKO DITO!

"Huwag kang gagalaw kung gusto mo pang mabuhay," 'yan lang ang narinig ko galing sa kanya.

I trusted him at saka niya ako piniring. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

Good Night Diary XOXO

PS. Sana 'wag ako mafifty-shades.

Diary ni Ms. ParanoidUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum