Garbage Bag |Page 25 of 365|

3.8K 156 3
                                    

Dear Diary,

Kaninang 2:00am nakarinig ako ng kotse na huminto sa tapat ng bahay namin. Kinabahan ako ng todo Diary! Akala ko imumurder na kaming pamilya yun pala nagtapon lang ng basura sa kabilang kalye. Malaking black na garbage bag iyon. 5:00am na at hanggang ngayon di ako makatulog iniisip ko na baka chop chop na katawan ang nasa loob ng plastic.

PS. Sana hindi ako nakita nung nagtapon na nakasilip ako sa bintana. Oh God. Susunod na niya akong papatayin.

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now