Tricycle |Page 110 of 365|

1.7K 86 6
                                    

Dear Diary,

Alam mo ba Diary na muntik na akong malate kanina?! Grabe talaga 'yung kaba ko! Paano naman kasi... Oo na Diary, kasalanan ko... Hindi ako nagising ng maaga kasi iniisnooze ko lang 'yung alarm pag tumutunog. Pero wag mo ako sisihin Diary! Sisihin mo si cake guy... Kasi walang pagod siyang tumatakbo sa isip ko kaya ayun napuyat ako. So, ganito na nga nangyari! Dahil nga sa malelate na ako at walang jip na dumadaan (Ang galing nila sa timing) kaya naman sumakay na ako sa tricycle! At alam mo kung saan akong part sumakay? Sa likod ng driver ang galing ko diba? Kinaya ko doon...

Ng maamoy ko ang amoy na kasula-sulasok....

"Manong pasabay na!" sigaw ng isang lalaki at huminto naman agad ang tricycle kaya muntik na akong masubsob sa kili-kili niya. Tumabi sa akin 'yung sumabay at nung mapatingin ako sa kanya.

SHIT! Kilig Diary!

Si cake guy 'yung tumabi! Oh my gad Diary! Ang gwapo niya! Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya kaya agad kong inialis ang tingin ko. Muli na namang bumilis ang takbo ng tricycle kasabay ang paglakas ng hangin kaya naman kaming nasa likod ni Manong 'e langhap sarap na. Diary kadiri talaga huhu! Kung hindi lang talaga ako malelate 'e!

Pero paano kung akala ni cake guy sa akin nanggagaling ang amoy na 'yun? Jusko Diary! Sirang sira na ako sa kanya! Turn-off na siya sa akin!

So, ayun na nga nangyari. Nauna siya bumaba at tiningnan niya ako na para bang diring-diri siya.

Good Night Diary huhu! Super lungkot ako. Cheer me up? :(

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now