Monday |Page 87 of 365|

2.4K 103 8
                                    

Dear Diary,

Tulala pa rin ako hanggang ngayon. Totoo ba na tinawag niya ako sa buong pangalan ko? Totoo ba Diary?! Hindi ako maayos na makapag isip ngayong araw. Sa katotohanan nga, mali 'yung jip na sinakyan ko. Papunta kasi ako dapat sa school ko 'e ayun dahil sa tulala nga ako napadpad ako sa lugar na hindi ko alam. Nawala tuloy ako, buti na lang may dala akong pera kundi baka nanglimos na ako sa kalsada para magkaroon ng pamasahe nako! Muntik na akong maging palaboy at muntik na akong biglang sumakay sa jip, mamigay ng sobre at tumugtog gamit ang mga lata.

At Diary sana wag ka magtampo, muntik na kitang ibenta sa isang publisher. Malay mo mapublish ka? E di magkakaroon na ako ng pamasahe kayalang nakakahiya kasi ang laman mo 'e puro kahihiyan ko. BUTI NA LANG TAYO LAND DIARY ANG NAKAKAALAM NITO!

Anyway, nakarating naman ako ng school at nakita ko si Mr. Nobody na palakad lakad sa hallway nung nakita niya ako agad niya akong niyakap.

"Ano ba?! Nag alala ako sayo! Tinatawagan kita at tinetext Cindy!" sabi niya at agad akong parang nakuryente ng tawagin niya ako sa pangalan ko. Pero Diary ang galing niya noh? Nagawa niyang imemorize 'yung pangalan kong hindi mahaba? Haha!

"Okay lang ako! Hihi!" sabi ko ng nakangiti.

So, ayan! Marami pa talagang nangyari pero inaantok na ako 'e. Bukas na lang Diary ko! Yakap kita! Never kita ibebenta sa isang publisher!

Good Night! xoxo

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now