Cockroach | Page 141 of 365 |

1K 36 7
                                    

Dear Diary,

Minsan ba naisip mo na baka bigla ka na lang gantihan ng mga insektong muntik mo ng mapatay?

Ganito kasi iyon.

Naglalaba ako ng aking uniform isang hapon ng may biglang maramdaman akong kakaiba sa binti ko. Nagulat ako at nagtatalon ako with matching tili. So, sa katatalon ko ay finally nawala na 'yung weird na something sa binti ko.

Then, sa peripheral vision ko may nakita akong tumalsik na ipis.

Lalo akong napatili! Sending Sushi sa door. Mukhang nag alala siya sa akin. Since, nakasarado ang pinto walang magawa si Sushi kundi ang kumahol sa tapat ng pinto.

And now, kaming dalawa lang ng ipis ang nasa loob ng laundry room. 'Yung itsura niya nakakairita, alam na nga niyang nasa harap niya ako yet hindi pa rin siya tumatakbo paalis! Minamaliit niya ako Diary!

That's why kinuha ko ang tabo sa gilid ko at ng aktong ihahampas ko na sa kanya ito ay bigla siyang tumakbo at nagtago ng mabilis.

Diary, ngayon nakahiga ako sa kama ko. Mag te-ten o'clock na ng gabi. Hindi pa rin ako makatulog. Paano kung gantihan niya ako ngayon?

Shocks, what if pumasok siya sa tenga ko at doon siya manganak?!

Good night Diary :( XOXO

Diary ni Ms. ParanoidKde žijí příběhy. Začni objevovat