Type |Page 117 of 365|

1.7K 73 9
                                    

Dear Diary,

Sorry sa pang iistorbo Diary, huhu! Kailangan ko lang talaga itong ikwento sayo. Actually, 4:00am na ngayon Diary. Grabe kasi talaga kanina Diary! Ihing ihi na talaga ako as in! At alam mo ba kung anong oras pa nagtiming ang nararamdaman kong iyon? Exactly 2:40am!

Malamang tinatanong mo na ako Diary kung anong problema doon pero hindi mo ba alam Diary na ang devil's hour daw ay 3am? Diary! Grabe halos magwiwi na lang ako sa kama! Pero, buong tapang at lakas ng loob akong tumayo at pumuntang C.R.

Akala mo ganoon lang kadali ano? Ganito ang nangyari. Actuall, Diary may dalawang types ng pagpunta sa C.R ng ganitong oras.

1.) The Track-and-Field Type
Or
2.) The Silent Ninja Type

Ako Diary isa akong The Silent Ninja Type, ikaw ba? Dahan dahan akong bumaba ng kama ko at dahan dahan kong binuksan ang ilaw sa kwarto ko. Grabe Diary! Pagbukas ng ilaw tingin agad ako sa magkabilang gilid, taas, baba at sa likod ko ng mabilisan. Ng makita kong clear na dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko at dahan dahan na pumunta sa C.R.

Agad kong binuksan ang C.R at tumingin ako sa magkabilang gilid ko, taas, baba at sa likod. CLEAR! At 'yun Diary nakawiwi na ako ng matiwasay. Pero, hindi dyan natatapos dahil tatakbo ako ulit pabalik ng kwarto ko at dito ko gagamitin ang The Track and Field Type. Para akong si Flash sa bilis ng takbo ko! Rinig na rinig ang pag takbo ko sa sahig namin at ng makapasok ako sa kwarto ko ay bigla akong humiga at nagtago sa ilalim ng kumot.

Ng mapansin ko na....

Sarado ang ilaw ng kwarto ko ng bumalik ako.

Good Night Diary. XOXO

PS. Diary sana wag akong magaya kay Kiyoko sa story na Burger Factory.

Diary ni Ms. ParanoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon