Sushi |Page 43 of 365|

2.7K 135 9
                                    

Dear Diary,

Kanina nakatulog kami ni Sushi sa sala, si Sushi nga pala ay yung aso ko na batugan walang ginawa kundi matulog ng matulog napakalaking aso niya pa naman tapos ni tumahol sa mga taong kumakatok sa gate di niya magawa. Tulog lang siya ng tulog lagi kaya Sushi pinangalan ko sakanya kasi lagi siyang nakabalot sa kumot pag natutulog. Tapos eto na nga Diary kanina nung nakatulog ako magkatabi kami sa Sala tapos nung nagising ako tulog pa din siya at same na pwesto lang nung natulog ako kanina! Kinabahan tuloy ako ng bonggang bongga! Akala ko patay na siya! So ayun ginising ko siya hinawakan ko siya sa tyan at inalog alog habang sinasabi.

"Sushi! Gising! Mahal kita! Pinagsisisihan ko na pag ninanakaw ko kumot mo HUHUHU! GISING KANA PLEASE! HUHUHU!"

Tapos shinake-shake ko ulit siya ng malakas! Ayun umangil! Haha! Ibigsabihin gising siya at buhay siya!

Good Night Diary :)

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now