Halloween | Page 144 of 365 |

1.2K 43 1
                                    

Dear Diary,

Diary! Sorry kung 'di manlang kita nabuksan ngayong mga nakaraang araw. Alam mo naman na isa sa mga kinatatakutan ko ang araw na November 1 at 2.

So, nagkaroon daw Diary ng isang Halloween party kagabi sa university. Each student is required na mag-costume ng nakakatakot. Jusko, Diary! Sa tingin mo kaya kong umattend sa ganoong event? Ni hindi nga ako makaalis sa ilalim ng kumot ko e!

Sayang pala 'yung costume na susuotin ko sana sa party. Conquer your fears, ika nga but I'm not ready! Nakakatakot kasi, malay mo doon sa party totoo na pala silang mga aswang, zombie o manananggal tapos 'di ko sila makikilala dahil akala ko nga nakacostume lang sila!

Grabe, Diary nanginginig ako sa takot ma-imagine ko lang sila na unti-unti akong pinalilibutan!

Shocks, Diary buti na lang 'di ako umalis dito sa bahay.

Good night Diary! XOXO!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now