James |Page 163 of 365|

974 37 8
                                    

Dear Diary,

Kasama ko sila mommy at kapatid ko na lumabas ng cottage. Nagpaiwan muna si Ace sa loob para magpahinga. Naghiwa-hiwalay kami para mabilis naming mahanap si James. Ako papunta doon sa mga bato-bato at sa may konti lang ang tao. Sila mommy naman sa may mga tindahan at sa parte ng may mga nagsi-swimming.

"James?! Nasaan ka?" sigaw ko.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao at Diary nakakahiya talaga. Kung saan saan na ako nakapunta na. Hanggang sa nakarating na ako sa lugar na wala na talagang tao. As in wala talagang tao, natakot akl at tumakbo Diary!

Habang naglalakad ako papalapit doon sa may mga nagsiswimming ay nakarinig ako ng isang pamilyar na boses. Pagtingin ko sa likod ko nakita ko si James!

"James! Saan ka nanggaling?! Ang tagal ka naming hinanap!" sabi ko agad sa kanya.

Mukhang wala siya sa wisyo. May necklace siyang bulaklak at may hawak pa siyang inumin na may mga design pang prutas.

"Kaw ba 'yan Cindy?" tanong niya.

Tiningnan niya ako maigi at ng marealize niya na ako nga ito ay bigla niya akong niyakap at nagpasalamat.

"Akala ko katapusan ko na!" sabi niya, "Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko doon."

"Ha? Anong pinagdaanan?" tanong ko.

Kumalas siya ng yakap at tiningnan niya ako na parang takot na takot, "Nung gabi kasi napalayo ako. Napunta ako sa walang katao-tao. Nadulas ako sa mga bato at nawalan ng malay. Nagising ako nakaupo ako sa isang sofa. Nasa isang party na ako! Grabe, akala ko hindi na ako makakatakas doon. Because dude! They were smokin' weed and stuffs! Buti na alng nakatakas ako."

Huminga siya ng malalim, "Paniwalaan mo ako Cindy please. Hindi ko talaga alam kung paano ako napunta doon. Baata hilong-hilo ako. Itong mga bulaklak? Galing sa kanila ito. Sabi ko sa kanila mag-C.C.R lang ako pero ang totoo tumakas na ako."

"What the... Grabe naman 'yang nangyari sayo James,"sabi ko.

Hinawakan niya ako sa balikat, "Pagod na ako uwi na tayo."

Dinala ko na siya sa cottage namin. Nadaanan namin sila mommy at kinuwento naman ulit ni James ang mga nangyari sa kanya. Pagdating namin sa cottage naabutan namin si Ace na nanonood ng T.V

"Dude! Saan ka nanggaling?" tanong ni Ace.

"Mahabang kwento," buntong hininga ni James, "Ikaw? Ano nangyari sa paa mo?"

"Nakatapak ng matulis na bato," nahihiyang sagot ni Ace.

Nagkwentuhan sila tungkol sa mga napagdaanan nila. Grabe nakahinga na rin kami ng maluwag dahil nakita na namin si James.

"At eto pa ha, may tattoo na ako!" sigaw ni James.

Ibinaba niya ng kaunti ang shorts niya. At doon sa kanyang kuyukot makikita ang...

"Oo p're, butterfly nga 'yan," sabi ni James.

Humagalpak naman ng tawa si Ace. Ako naman pinipigilan lang.

"Hindi ko talaga alam ito! Grabe talaga," sabi ni James.

Butterfly. Ang malas naman ni James.

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now