Permission |Page 98 of 365|

1.8K 80 2
                                    

Dear Diary,

Nagpaalam na ako kanina kay Mommy na kung pwede ay sumama ako sa Field Trip. Nakakakaba magpaalam Diary! Ganito kasi 'yun nasa kwarto ako at magkatext kami ni Charles ng biglang maopen 'yung topic tungkol sa Field Trip, tapos naalala ko hindi pa pala ako nakakapagpaalam kaya agad akong bumaba ng kwarto at naabutan ko si Mommy na nanonood ng T.V

"Mommy!" tawag ko at tumingin siya sa akin at tinanong kung bakit, agad naman akong kinabahan pero hindi ko alam kung bakit.

"Ma, sasama ako Field Trip ha?" tanong ko, jusko baka isipin niya wala naman talagang Field Trip baka isipin niya maggagala lang ako! Nako! Baka isipin niya rin na gagawa ako ng kalokohan sa tatlong araw naming Field Trip 'o isipin niyang maglalayas ako! JUSKO!

"Sige." sabi niya sa akin

In short, pinayagan niya ako! Ang saya Diary!

Good Night! XOXO!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now