Dead |Page 150 of 365|

1K 37 8
                                    

Dear Diary,

Ito ang mga nangyari ngayong araw...

"Pakinggan niyo naman po ako! Totoo ang sinasabi ko!" sabi ko sa pulis habang kung anu-ano ang pinipirmahan niyang papel.

Napailing si mamang pulis, "Hay nako miss, paano naman ako maniniwala sa sinasabi mo e ayon dito sa mga record ko pang-sampung sumbong mo na ito sa police station ngayong 2016?"

Pang-sampu?! Ganoon na talaga karami ang naisumbong ko?!

"At ni-isa naman sa mga sinumbong mo, hindi naman totoo. Guni-guni mo lang. Hay, paranoid ka lang", mariing sabi pa niya, "Lalaki na pumapatay kasama ang gang niya? Isusunod kana? Garbage bag? Nako, magpahinga kana lang miss."

Nangingilid na ang mga luha ko. Kanina pa ako nakikipag-usap sa kanya, mag-i-isang oras na pero ayaw niyang seryosohin ang mga sinasabi ko.

"Ano pa bang mga nakaraan mong sumbong? Ah, oo nga 'yung alien abduction at mga kidnappers at kung anu-ano pa. Alam mo Cindy, tingnan mo alam ko na ang pangalan mo. Magpahinga kana lang pagod lang 'yan ha? Kung gusto mo ko-kontakin ko ang mama mo para masundo ka dito."

Hindi ko kailangan ang sundo! Naiinis na ako sa kanya. Bago pa man ako mag-walk out sumigaw ako sa harap niya ng napakalakas.

"Malalagot ka kapag may nangyari ngang masama sa akin! Pangit na matabang pulis! Bye!" sigaw ko sabay martsa palabas ng station.

Ayan, ayan Diary ang nangyari kanina. Ang saya diba? Hindi ako pinagtatanggol ng pulis! Kapag may nangyaring masama sa akin, ididiin ko siya sa korte!

Good night Diary XOXO

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now