Dear Diary,
Nandito ako nakaupo ngayon sa isang bench sa harap ng dagat. Tuwang-tuwa 'yung mga classmate ko at enjoy na enjoy silang lumalangoy. Sana po 'wag silang kainin ng pating. Anyway, ito nga relax lang ako dito. Nakasunblock ako, shades, hat, at may nakapatong rin na towel sa katawan ko para 'di masyadong exposed.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko at mahihiga ng may biglang tumabi sa akin.
Shocks! Si Starbucks guy! Bigla akong parang kinuryente sa kilig ng makita ko siya!
"Gusto mo?" alok niya sa akin
Napababa naman ang tingin ko, alin ba? 'Yung abs niya ba? Waaah! Diary ang hot niya! Beach body!
"Hey? Watermelon oh," sabi niya sa akin sabay abot ng isang slice
"Th-Thank you," pagpapasalamat ko
Para na akong matutunaw Diary! Grabe, halos mabanlag na ako sa kasisilip ng abs niya. Napakagat na lang ako sa watermelon.
"Ayaw mong magswimming?" tanong niya sa akin, umiling naman ako kaagad
Ayaw ko nga, malay mo may maligaw na pating at bigla akong sagpangin. Kagat lang ako ng kagat sa watermelon at lunok lang ako ng lunok.
Tumayo siya bigla at nag-unat, "Maiwan muna kita, magtatry akong magjet ski,"
Natulala naman ako habang pinapanood siyang maglakad palayo. Grabe, ang perfect niya! Inubos ko na ang watermelon at nahiga.
Ng may bigla akong maisip.
Ilan ang nalunok kong buto ng pakwan?
Jusko! Baka tumubo 'yung mga butong iyon! Oh God! Magiging taong pakwan ako! Juscolored!
Good Night Diary xoxo
PS. Pag naging taong pakwan ako 'wag mo kong ibibigay sa perya Diary ha?
![](https://img.wattpad.com/cover/27904694-288-k344226.jpg)
YOU ARE READING
Diary ni Ms. Paranoid
AdventureParanoid personality disorder (PPD) is a mental disorder characterized by paranoia and a pervasive, long-standing suspiciousness and generalized mistrust of others. Anxiety is a general term for several disorders that cause nervousness, fear, appreh...