Who |Page 131 of 365|

1.3K 63 4
                                    

Dear Diary,

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at patuloy na nagfa-flashback sa isip ko ang nangyari kagabi. Grabe, mukha talaga akong two-timer nun! Hay, bakit ba kasi botong-boto si Mommy kay Charles?

Narinig kong may kumatok sa pinto ko at sinabihan ko itong pumasok na. Nakita ko si Mommy na may malungkot na mukha. Kasunod niyang pumasok si Sushi kung saan nakasakay si Mr. Waffles.

"Mommy?! Bakit ka malungkot?!" tanong ko agad sabay bangon.

"Wala naman, nabalitaan ko lang na..."

Na? Na? Naaa?!

Kahit kailan pabitin talaga si Mommy. Lalo tuloy akong kinakabahan! Parang tumataas na ata ang B.P. ko sa ginagawa ni Mommy!

"Na... Hindi na kayo interesado sa isa't isa ni Charles," wika ni Mommy.

Tama! Pero, teka saan nabalitaan iyon ni Mommy?!

"Mommy, totoo po 'yan, pero..." huminga ako ng malalim, "Saan mo po iyan nabalitaan? Sinabi ba sa inyo ni Charles?"

Umiling si Mommy habang hinihimas si Mr. Fluffy. Ugh, saan naman kaya? Sino nanaman kayang chismoso ang nanghimasok?

"No, hindi si Charles," wika ni Mommy.

"Sino?"

Huminga siya ng malalim at nagsalita.

"Sinabi sa akin ni Sydney," maikling sagot ni Mommy.

Sa simpleng sagot na iyon ni Mommy ay agad itong nakapagbigay sa akin ng kirot sa puso.

Sino ba talaga si Sydney...

Sa buhay ko at sa buhay ni Charles?

Good Night Diary xoxo!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now